Isa na namang motorsiklo, nagawang makapag-counterflow sa Skyway sa Balintawak

Btb Berita

Isa na namang motorsiklo, nagawang makapag-counterflow sa Skyway sa Balintawak
BtbbalitaCounter Flow LanesSkyway
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 57 sec. here
  • 7 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 43%
  • Publisher: 68%

Isang buwan makaraang masawi ang isang rider matapos na bumangga sa isang sasakyan nang mag-counterflow sa Skyway sa Baliktawak, isa na namang motorsiklo ang nakalusot at nakapag-counterflow sa naturang expressway.

Sa ulat ni Joseph Morong sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, ipinakita ang kuha sa dash-cam ng isang motorista na naka-upload sa mobility network Visor, sa biglang pagsulpot ng motorsiklo noong hatinggabi umano ng Lunes.

Sa video footage, makikita ang motorsiklo na nanggaling sa kanang bahagi ng daanan at lumipat ng linya sa kaliwa ng motorista.Nakaiwas man sa disgrasya, nag-aalala pa rin ang motorista na baka may ibang makabangga sa rider. Noong nakaraang buwan, nasawi ang isang rider na nag-counter flow at bumangga sa kasalubong na sasakyan sa Skyway Stage 3 na sakop ng Balintawak, Quezon City.Sa inilabas na pahayag ng Skyway sa nangyaring insidente noong Marso, sinabing nanggaling ang motorsiklo sa A. Bonifacio Avenue, at umakyat ng off ramp ng Skyway north bound na pababa ng NLEX.Pero ang tagapagsalita ng NLEX na si Donna Marcelo, sinabi na ang nahuli-cam na motorsiklo ay nanggaling sa A.Boni/Monumento.

"Based on the video, the security of Skyway was also not able to flag down the rider, who went straight to Sgt. Rivera exit. They were not able to apprehend as well," sabi pa ni Marcelo. Bilang dagdag na security measure, magdaragdag daw sila ng mga plastic barrier sa pagitan ng NLEX lane 4 at Skyway off ramp para mapahaba ito at maging mahirap para sa mga motorsiklo na mag-U-turn. -- FRJ, GMA Integrated News

Berita ini telah kami rangkum agar Anda dapat membacanya dengan cepat. Jika Anda tertarik dengan beritanya, Anda dapat membaca teks lengkapnya di sini. Baca lebih lajut:

gmanews /  🏆 11. in PH

Btbbalita Counter Flow Lanes Skyway Skyway Accident Btbtrending

Indonesia Berita Terbaru, Indonesia Berita utama

Similar News:Anda juga dapat membaca berita serupa dengan ini yang kami kumpulkan dari sumber berita lain.

Maingay umanong estudyante, pinagbabaril ng barangay tanod sa MasbateMaingay umanong estudyante, pinagbabaril ng barangay tanod sa MasbatePatay ang isang 20-anyos na estudyante matapos pagbabarilin ng isang barangay tanod sa Masbate City.
Baca lebih lajut »

3-anyos na babaeng naglalaro, patay matapos magulungan ng kotse sa Cavite3-anyos na babaeng naglalaro, patay matapos magulungan ng kotse sa CaviteNasawi ang isang tatlong taong gulang na batang babae na naglalaro matapos siyang magulungan ng isang kotse sa isang subdivision sa Naic, Cavite.
Baca lebih lajut »

Diver, kinagat sa ulo ng dambuhalang isda na tila naasar sa kaniya sa ChinaDiver, kinagat sa ulo ng dambuhalang isda na tila naasar sa kaniya sa ChinaBiglang sinakmal sa ulo ng isang dambuhalang isda ang isang diver na nagpapakain sa mga isda sa loob ng isang malaking aquarium sa China. Pero bago ang pananakmal, napag-alaman na may pinag-agawan muna na bag ang diver at ang isda na isang sturgeon.
Baca lebih lajut »

Aso, nagpupuyat din sa lamay at tinatanaw ang larawan ng namayapa niyang amo sa PangasinanAso, nagpupuyat din sa lamay at tinatanaw ang larawan ng namayapa niyang amo sa PangasinanKinaantigan ng netizen ang isang aso sa Binalonan, Pangasinan, na tila hindi pa nakakabawi sa puyat at lungkot sa pagpanaw ng isa niyang amo, ay muli na namang nagdadalamhati nang mamatay din ang isa pa niyang amo sa loob lang ng isang buwan.
Baca lebih lajut »

Motorcycle counterflow along Skyway caught on cameraMotorcycle counterflow along Skyway caught on cameraA motorcycle rider was caught counterflowing at the Balintawak exit of the Skyway, according to Joseph Morong’s report on '24 Oras.'
Baca lebih lajut »

Slay try against BuCor official fails on SkywaySlay try against BuCor official fails on SkywayDefining the News
Baca lebih lajut »



Render Time: 2025-02-25 17:37:23