Kinaantigan ng netizen ang isang aso sa Binalonan, Pangasinan, na tila hindi pa nakakabawi sa puyat at lungkot sa pagpanaw ng isa niyang amo, ay muli na namang nagdadalamhati nang mamatay din ang isa pa niyang amo sa loob lang ng isang buwan.
Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, ipinakita ang video na ini-upload ni Bailey Jean Manuel, na makikita ang aso na si "Georgia," na paupong nakapikit na sa ibabaw ng isang silya habang nasa burol ng kaniyang amo.
Ayon kay Manuel, umaalis lang sandali ang aso kung kakain pero bumabalik din ito sa burol at pumupuwesto sa carpet o uupo sa ibabaw ng silya. Hindi umano nakapagtataka kung antok-antok ang hitsura ni Georgia dahil hindi pa raw ito nakakabawi sa puyat sa burol ng isa pa niyang amo. Kuwento ni Manuel, si Georgia ay alaga ng kaniyang lola at tita, na magkasunod lang pumanaw sa loob ng wala pang isang buwan.
Kapansin-pansin din umano na may partikular na upuan na pinupuwestuhan si Georgia, ang upuan na tanaw niya ang larawan ng kaniyang amo na nasa ibabaw ng ataul.Bakas kay Georgia ang labis na pangungulila pero hindi naman daw nila pababayaan ang aso dahil kukupkupin siya ng kapatid ng kaniyang namayapang amo.--FRJ, GMA Integrated News
Btbtalakayan Dog Lover GMA News Feed Btbtrending
Indonesia Berita Terbaru, Indonesia Berita utama
Similar News:Anda juga dapat membaca berita serupa dengan ini yang kami kumpulkan dari sumber berita lain.
Mga nakatira sa isang apartment, nakaligtas sa sunog dahil sa tahol ng alagang aso sa ChinaDahil sa pagtahol ng alagang aso, nagising ang natutulog niyang mga amo at nailigtas sa sunog na nagaganap sa isang apartment sa China. Pati ang iba nilang kapitbahay, naalerto.
Baca lebih lajut »
Suspect feels guilty, returns money stolen in scamThe suspect in a cash-in scheme in Pangasinan has returned the money to the victims.
Baca lebih lajut »
San Miguel breaks ground for Pangasinan Link ExpresswayConglomerate San Miguel Corp. (SMC) and the provincial government of Pangasinan broke ground on Thursday for the construction of the 76.80-kilometer Pangasinan Link Expressway (PLEX).
Baca lebih lajut »
San Miguel breaks ground on Pangasinan expresswayDefining the News
Baca lebih lajut »
Mag-ina, 1 pa nilang kaanak, nasawi sa sunog sa PangasinanTatlong magkakaanak ang nasawi--kabilang ang mag-ina-- nang makulong sila sa nasusunog nilang bahay sa Binmaley, Pangasinan.
Baca lebih lajut »
VNS-Asareht, Pangasinan blast foes in PNVF U-18Defining the News
Baca lebih lajut »