Sugatan at kinailangan operahan ang 24-anyos na lalaki matapos umano siyang suntukin sa ulo ng nakaalitan niyang kapitbahay sa Bagong Silang, Caloocan.
“Bigla niya po akong hininto. Bigla niya po akong sinuntok dito sa ulo hanggang sa makatakbo ako. Sinundan pa po niya ako,” ani biktima. Ayon sa kapatid ng biktima, kakutsaba pa umano ng suspek ang asawa at anak niya na inabutan pa siya ng pamalo sana sa biktima.
“Iyong kapatid ko, biglang sinuntok sa ulo. Tapos may hinagis po iyong asawa niya na batuta ba iyon o tubo. Pati iyong anak niya po,” aniya. “Pag-awat namin, may tama na po pala iyong biktima… Marami naman po nakakita. Halos lahat po. Kasi noong nagkagulo, naglabasan po kaagad iyong mga tao,” sabi ng isang saksi.
Dati na raw may alitan ang dalawa matapos pagbintangan ng suspek ang biktima na kabilang umano sa mga nambugbog sa anak nito.“Hindi nga po nahawakan ng kapatid ko iyong anak niya eh dahil wala naman po iyong kapatid ko sa pangyayari na sinasabi niyang nabugbog iyong anak niya,” aniya.“Siya lang po yata iyong naabutan diyan,” aniya.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang kaanak ng biktima sa mga awtoridad para sa imbestigasyon. —KBK, GMA Integrated News
Indonesia Berita Terbaru, Indonesia Berita utama
Similar News:Anda juga dapat membaca berita serupa dengan ini yang kami kumpulkan dari sumber berita lain.
15 poste, natumba nang sumabit sa mga kawad ang isang truck sa Marilao, Bulacan; 2, sugatanLabing-limang poste ang natumba nang sumabit at mahatak ng isang truck sa mga kawad sa Marilao, Bulacan. Dalawang ang nasugatan sa insidente at nasa mahigit 700 kabahayan ang nawalan ng kuryente.
Baca lebih lajut »
Lalaki, huli nang saksakin sa inuman ang dalawa niyang kaibigan; 1 patay, 1 sugatanTimbog ang isang lalaki matapos niyang saksakin ang dalawa niyang kaibigan habang nasa inuman sa Valenzuela City.
Baca lebih lajut »
Mister patay, misis sugatan matapos silang pagbabarilin sa bigasan sa AbraPatay ang isang negosyante, habang sugatan ang kaniyang asawa matapos silang pagbabarilin sa kanilang tindahan ng bigas sa Manabo, Abra. Ang mga suspek, naaresto sakay ng pick-up truck na pag-aari ng isang konsehal na itinangging sangkot siya sa krimen.
Baca lebih lajut »
Lalaki sugatan sa pamamaril ng nakaalitang sekyuSa kulungan ang bagsak ng 54 anyos na security guard matapos niyang barilin ang isang palaboy na babatuhin umano siya ng bato.
Baca lebih lajut »
8 sasakyan, nagkarambola sa Mindanao Avenue; tatlo, sugatanSugatan ang tatlong katao matapos magkarambola ang walong sasakyan sa Mindanao Avenue sa Quezon City pasado alas otso nitong Lunes ng gabi.
Baca lebih lajut »
Jeepney driver, sugatan nang saksakin ng pasaherong 'di nagbayad ng pamasahe sa RizalNagtamo ng sugat ang isang jeepney driver matapos siyang saksakin ng isang pasahero na kaniyang sinita dahil hindi nagbayad ng pamasahe sa Cainta, Rizal. Ang suspek, umaming lasing at nawala umano ang kaniyang wallet kaya wala siyang maipambayad.
Baca lebih lajut »