Motorista, binaril ang nakagitgitang kotse sa kalye; pero iba ang tinamaan ng bala

Btb Berita

Motorista, binaril ang nakagitgitang kotse sa kalye; pero iba ang tinamaan ng bala
BtbbalitaRoad Rage
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 61 sec. here
  • 5 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 35%
  • Publisher: 68%

Sugatan ang isang babaeng tauhan ng tindahan ng pagkain at isang delivery rider na kumakain nang tamaan sila ng bala na ipinutok ng isang driver ng kotse sa Mandaluyong City. Ang puntirya talaga ng suspek, ang driver ng kotse na nakagitgitan niya sa kalsada.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, makikita sa CCTV footage ang habulan ng dalawang sasakyan sa Barangay Addition Hills.

Pagdating sa F. Martinez Street, nag-u-turn ang nauunang kotse habang tumigil naman sa kabilang linya ang puting kotse ng suspek at nagpaputok.“Nagkagitgitan lang, nagkayabangan dahil pareho ang sasakyan nila na naka-setup… Maluwag ang kalsada, nagkakahabulan,” ayon kay Mandaluyong Police Assistant Chief Police Lieutenant Colonel Robert Delos Reyes.

Ang bala na ipinutok ng suspek, tumama sa balikat ng babaeng trabahador sa kainan, at isang lalaking delivery rider na tinamaan sa paa habang kumakain.Nagsagawa ng backtracking ang mga pulis sa mga posibleng pinuntahan ng suspek na namaril hanggang sa matunton siya sa Intramuros sa Maynila.“Pinaandar niya yung sasakyan, then hanggang sa hinabol at na-corner… Tumigil naman pero nag-resist,” ani Delos Reyes.

Nakuha sa suspek na dinala sa ospital ang isang baril na kalibre .45 at mga pinaghihinalaang ilegal na party drugs. Ayon kay Eastern Police District Director Police Brigadier General Wilson Asueta, sasampahan nila ng reklamong three counts of frustrated homicide, direct assault, illegal possession of firearms, violation of the Dangerous Drug Law at resistance to agents of authorities ang suspek. —FRJ, GMA Integrated News

Berita ini telah kami rangkum agar Anda dapat membacanya dengan cepat. Jika Anda tertarik dengan beritanya, Anda dapat membaca teks lengkapnya di sini. Baca lebih lajut:

gmanews /  🏆 11. in PH

Btbbalita Road Rage

Indonesia Berita Terbaru, Indonesia Berita utama

Similar News:Anda juga dapat membaca berita serupa dengan ini yang kami kumpulkan dari sumber berita lain.

Vista Land Unveils Premium High-Rise Development in Mandaluyong CityVista Land Unveils Premium High-Rise Development in Mandaluyong CityVista Land, the Philippines’ leading integrated property developer, is making waves in residential real estate with the launch of Crosswalk Tower, a 46-story high-rise development strategically located at the junction of Pasig, Mandaluyong, and Makati.
Baca lebih lajut »

15 poste, natumba nang sumabit sa mga kawad ang isang truck sa Marilao, Bulacan; 2, sugatan15 poste, natumba nang sumabit sa mga kawad ang isang truck sa Marilao, Bulacan; 2, sugatanLabing-limang poste ang natumba nang sumabit at mahatak ng isang truck sa mga kawad sa Marilao, Bulacan. Dalawang ang nasugatan sa insidente at nasa mahigit 700 kabahayan ang nawalan ng kuryente.
Baca lebih lajut »

Pampasaherong jeep, nang-araro ng 5 sasakyan sa Maynila; 10 sugatanPampasaherong jeep, nang-araro ng 5 sasakyan sa Maynila; 10 sugatanSugatan ang 10 katao matapos araruhin ng isang pampasaherong jeep na nawalan ng preno ang limang sasakyan sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Reina Regente Street sa Maynila.
Baca lebih lajut »

Road rage leaves 2 people wounded by gunfire in Mandaluyong, suspect shot while resisting arrestRoad rage leaves 2 people wounded by gunfire in Mandaluyong, suspect shot while resisting arrestLatest Philippine news from GMA News and 24 Oras. News, weather updates and livestreaming on Philippine politics, regions, showbiz, lifestyle, science and tech.
Baca lebih lajut »

Iloilo City declared as 5th most competitive highly urbanized city in NCC indexIloilo City declared as 5th most competitive highly urbanized city in NCC indexILOILO CITY – The National Competitiveness Council under the Department of Trade and Industry has named Iloilo City as the fifth most competitive highly urbanized city in the 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).
Baca lebih lajut »

Getaway vehicle in San Carlos City mall robbery tracked in Batangas CityGetaway vehicle in San Carlos City mall robbery tracked in Batangas CityBACOLOD CITY – A getaway vehicle used by unidentified persons in a mall robbery in Barangay Palampas, San Carlos City, Negros Occidental last week was last seen in Batangas City.
Baca lebih lajut »



Render Time: 2025-02-24 22:51:31