Nasawi ang magpinsan nang maaksidente habang sakay ng motorsiklo sa Aguilar, Pangasinan. Ang trahediya, nadaanan pa ng misis ng isa sa mga biktima pero hindi niya alam na ang mister pala niya ang isa sa mga nakahandusay sa kalsada.
Sa ulat ni Russel Simorio sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, kinilala ang mga biktima na sina Ricky Guillermo, 42-anyos, at Loreto Guillermo, 43."Diyos ko may nadisgrasya sa Niñoy. Kawawa naman yung mga nadisgrasya sabi ko, Ibinalita ko pa nga sa anak ko," ani Erlina. "Sila na pala 'yon. Kung alam ko lang hinintuan namin."Galing umano sa Barangay Bocacliw ang dalawa at nagtungo sa Niñoy para bumisita sa kaanak nang mangyari ang trahediya.
Ayon sa pulisya, batay sa pahayag ng ilang testigo, medyo mabilis ang takbo ng motorsiko ng mga biktima. Parang may naamoy din umanong alak ang first responder o imbestigador. Pero itinanggi ng anak ni Ricky at maging ni Erlinda na nakainom ang magpinsan nang mangyari ang insidente. "Kumain pa po kami noon, hindi po sila nakainom," sabi ni Jerry, anak ni Ricky, na labis na ikinalulungkot ang nangyari sa ama at kaanak nila. --FRJ, GMA Integrated
Indonesia Berita Terbaru, Indonesia Berita utama
Similar News:Anda juga dapat membaca berita serupa dengan ini yang kami kumpulkan dari sumber berita lain.
Mga kalsada, airport sa Dubai, nalubog sa baha; 18, nasawi naman sa OmanNalubog sa baha ang maraming lugar sa Dubai, dahil sa matinding pag-ulan sa Gulf region, na nag-iwan din ng 18 nasawi sa Oman.
Baca lebih lajut »
DMW: 3 OFWs, nasawi nang maganap ang matinding pagbaha sa UAENakumpirma na ng Department of Migrant Workers (DMW) na mayroong tatlong overseas Filipino workers ang nasawi nang nangyari ang matinding pagbaha sa United Arab Emirates.
Baca lebih lajut »
Negosyante na pasakay na kaniyang SUV, patay nang pagbabarilin sa Bacolod CityNasawi ang isang negosyante matapos siyang pagbabarilin sa labas ng isang convenience store sa Bacolod City.
Baca lebih lajut »
Batang magkapatid, nadaganan ng malaking bato sa Davao del Sur; 1 nasawi, 1 sugatanKalunos-lunos ang sinapit ng magkapatid na apat na taong gulang at isang-taong-gulang matapos silang madaganan ng malaking bato habang nasa gilid ng isang ilog sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Baca lebih lajut »
Tricycle driver, patay nang bumangga sa motorsiklo matapos masagi ng SUV sa PangasinanNasawi ang isang tricycle driver matapos siyang bumangga sa kasalubong na motorsiklo sa Calasiao, Pangasinan. Sa nahuli-cam na insidente, nawala sa tamang linya ng kalsada ang tricycle at tumagilid matapos masagi ng isang SUV na hindi tumigil sa kabila nang nangyari.
Baca lebih lajut »
Road project gives rosy prospects for Pangasinan's tourism, tradeWith the Pangasinan Link Expressway project given a go, it would only be a matter of time that destinations in and around the province will boom. Together with the Hundred Islands and the Manaoag Church, the other not-often visited hideaways will finally capture its target audience.
Baca lebih lajut »