Timbog ang isang lalaki dahil sa pangmomolestiya umano sa isang menor de edad na kaanak ng kaniyang asawa sa Cabusao, Camarines Sur, pagkaraan ng mahigit dalawang taong pagtatago sa Quezon City.
Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing dinakip sa pinapasukan niyang junk shop sa Barangay Commonwealth ang 37-anyos na suspek ng mga operatiba ng Batasan Police Station.Noong nasa estasyon na ng pulisya, natuklasang may isa pang warrant of arrest ang lalaki para sa kasong rape, kaya isinilbi rin ito ng pulisya.
“Maliban doon sa unang insidente, nagkaroon pa ulit ng isang insidente kung saan ay may halo na itong panghahalay, na kung saan ‘yung menor de edad ay nakapagsumbong din sa kaniyang mga magulang kaya na-file-an ulit ng another case itong ating suspek,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Roldante Sarmiento, Batasan Police Station Commander.Itinanggi ng lalaki ang mga akusasyon sa kaniya.
Inihahanda na ang mga dokumento para sa return of warrant, at nakatakda rin siyang ibiyahe papuntang Camarines Sur. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News
Indonesia Berita Terbaru, Indonesia Berita utama
Similar News:Anda juga dapat membaca berita serupa dengan ini yang kami kumpulkan dari sumber berita lain.
13-anyos na lalaking nagmaneho ng tricycle, patay nang makabanggaan ang bus sa Camarines NorteNasawi ang isang 13-anyos na lalaki na nagmamaneho ng tricycle matapos niyang makabanggaan ang isang bus sa Labo, Camarines Norte. Sugatan din ang pasahero sa tricycle.
Baca lebih lajut »
Binatilyong estudyante, minolestiya umano ng lalaki niyang guro sa loob ng elem school sa PangasinanArestado ang isang lalaking guro matapos magsumbong ang kaniyang 12-anyos na lalaking estudyante na minolestiya umano niya sa loob ng silid-aralan sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Baca lebih lajut »
Masahista, iginapos, binusalan at ginahasa umano ng lalaking customer sa MaynilaSa kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos niyang igapos, busalan at gahasain umano ang isang babaeng masahista na kaniyang binook sa isang hotel sa Santa Cruz, Maynila.
Baca lebih lajut »
Lalaking sinita dahil sa paninigarilyo sa Caloocan, arestado matapos magwalaPatung-patong na reklamo ang kinakaharap ng isang lalaking sinita dahil sa paninigarilyo sa Caloocan City matapos siyang magwala habang inaaresto ng mga pulis.
Baca lebih lajut »
Lalaking nagpanggap umanong magde-deliver ng parcel, basta na lang pumasok sa bahay sa LagunaIsang lalaki na nagpanggap umanong magde-deliver ng package at posibleng pagnanakaw ang pakay ang nahuli-cam na basta na lamang pumasok sa loob ng isang bahay sa Pila, Laguna.
Baca lebih lajut »
Lalaking pinagtulungang gulpihin sa Navotas, nanaksak; 1 patay, 2 sugatanNasawi ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan matapos silang saksakin ng lalaking kanilang pinagtulungang gulpihin sa labas ng isang restobar sa Navotas City. Depensa ng suspek, ipinagtanggol lamang niya ang sarili.
Baca lebih lajut »