JC Alcantara walang paki kung tawaging bading; game na game makipag-kissing scene kina Piolo Pascual at Enchong Dee | via banderaphl
Bilib na bilib ang netizens sa kapani-paniwala na pag-arte ni JC bilang isang drag queen, na kumpleto sa bonggang makeup at mga enggrandeng outfit.JC Alcantara nahirapang gumanap bilang binatang may ASD: Hindi siya joke na i-portray, habang ina-acting ko, naiiyak ako…
“Hindi po. Hindi ako natatakot like alam ko may naririnig ako na pinagsasabi ‘ay bakla ‘yan, bakla ‘yan.’ Pero happy ako kasi at least effective ako bilang actor na nagampanan ko ‘yung role na ‘yun. “Bahala na kayo kung anong iisipin n’yo sa’kin kasi ako po ‘yung taong walang akong pakialam kung anong tingin mo sa akin, kung sino ako basta ‘yung mga friends ko sila-sila na nakakakilala sa akin ‘yun ‘yung mas paniniwalaan ko. ‘Yun ‘yung mas sasamahan ko,” sabi pa niya.
Natanong din si JC kung sinu-sino pa ang gusto niyang makahalikan kung gagawa uli siya ng gay projects matapos mapag-usapan ang kissing scene nila ni Christian sa “Drag You & Me.”