Balikan itong karanasan ng news team noong 2001 sa pag-cover sa tangkang pag-atake sa mga grupong Taliban at Al Qaeda sa Afghanistan.
Watch more on iWantTFC MAYNILA— Sa mga pambihirang pagkakataon, ang mga tagapagbalita ang nagiging laman ng balita.
Taong 2001, ipinadala ang isang ABS-CBN News team kabilang ang noo’y correspondent na si Ed Lingao sa Afghanistan para kunan ang tangkang pag-atake ng Estados Unidos at mga kaalyado nito sa mga grupong Taliban at Al Qaeda. Habang binabaybay ang daan patungong Kabul, hinarang ang sinasakyan ng news team ng mga armadong lalaki. Pinababa sila sa sasakyan at kinasahan ng baril. Dagdag pa niya, isa na raw ito sa mga nakakatakot na nangyari sa kanilang buhay.
Sa kabila ng pangyayari, nagpatuloy ang team sa kanilang tungkulin dahil ayon sa beteranong mamamahayag: “There are stories that Filipinos should know about from the point of view of Filipinos.”