ALL-OUT ang support ng Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis sa lovelife ng kanyang pinakamamahal na inang si Carmen Ojales. Mismong si Anne pa ang nagpasimuno ng panunukso kay Gng. Carmen
Sa opening ng “It’s Showtime” sa March 17 episode nito, binati at pinuri ni Anne ang kanyang ina dahil super blooming daw ito ngayon dahil in love na in love.
Pagpapatuloy ni Anne, “Blooming si Mama ngayon. Blooming kasi si Mama ngayon, may lovelife!” Na sinundan ng malakas na hiyawan sa loob ng studio kasabay ng pangangantiyaw ng iba pang hosts ng programa.Sa pagbaling ng camera, nahagip ang katabing lalaki ni Gng. Carmen sa audience area na naka-shades at nakasuot ng striped na long-sleeves. Kung pamilyar kayo sa naturang guy, siya ang laging kasama ng nanay ni Anne sa kanyang TikTok videos na ipinakilala niyang boyfriend.
Bagamat long-distance ang kanilang relationship ay napapanatili pa rin daw nila ang init at pagiging solid ng kanilang relasyon.